Monday, May 10, 2010

Categorized | ,

Isa sa mga Teenternational Housemates Siguradong Pasok para sa Big Night ng PBB TEEN CLASH of 2010!

7:10 PM


Tama kayo isa nga sa ating mga bagong saltang mga boarders ni kuya sa kanyang bahay ang mga Teenternationals ang siguradong makakapasok para sa Big Night ng PBB Teen Clash of 2010. Sa dahilang pagkakapanalo ng Teenternationals Teen Housemates laban sa mga Pinoy Housemates sa kanilang Music Video Task para makamtan ang unang slot sa Big Night.

Photo Credits: Starmometer.com

Nakakuha ang teenternational housemates ng 75.99 percent laban sa kanilang katunggaling mga pinoy na 24.01 percent lamang ang nakuha.

Maghaharap ulit ang dalawang group para sa dalawa pang task na darating kung saan ang mapapanalunan muli ay ganun parin, automatic spot sa Big Night.

Pero bago yan, walong housemates naman ang nominadong at nanganganib na mapalabas sa bahay ni kuya. Sina Carson, Ann at April mula sa Teenternational Housemates at sina Yen, Angelo, Jovic, Yong at Tricia naman para sa Pinoy Teen housemates naman.

Abangan naman ang pagpasok ng mga ina ni Angelo at Devon ngayon linggo para Dh o Dakilang Hamon ni Kuya kung saan mamamasukan silang bilang kasambahay ng mga taga-Aparment Housemates para manalo ng College Scholarship Plan sa kani-kanilang mga anak.

Magtagumpay kaya ang dalawang nanay at ano kaya ang magiging reaksyo ng kanilang mga anak pagnalaman nila eto? Makabawi rin ba ang mga Pinoy Teen Housemates natin sa pagkakatalo nila sa teenternationals sa weekly task?

Get more updates and keep on watch Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 at ABS-CBN.



0 Responses to “Isa sa mga Teenternational Housemates Siguradong Pasok para sa Big Night ng PBB TEEN CLASH of 2010!”

Post a Comment