Monday, May 3, 2010

Categorized |

Force Eviction again plus 3 automatic nomination

2:14 AM

You are not wrong guys sa nabasa ninyo sa title. Its TRUE, Si Kuya ay nagpataw na naman ulit ng isa sa mga housemates natin sa PBB Teen Clash 2010 para parusahan ng Forced EViction at tatlong automatic nomination pa after nang paglabas ng 2nd Evictee Rebecca "Becca" Chionban ng Cebu.

This is the first time in history ng Pinoy Big Brother House na tatlong makakakasunod na pagpapataw ni Kuya ng Force Eviction. Mula kay Maichel at Eslove ngayon isang Housemate na naman.

Ano ba ang nangyayari sa kanila? May dapat bang sisihin sa pangyayaring eto at ano ba talaga ang nangyari?

Ang housemate na pinatawanan ng forced eviction ay walang iba kundi si Shey. Bakit kaya di niya magustohan itong si Tricia? Naging dahilan ng pagkakaforced evicted sa bahay ni kuya si Shey dahil sa nilabag niya ang isa sa mga rules ng bahay ni kuya. Kung babalikan natin ang kay Maichel ang nilabag niyang rules ay ang madalas na pagkuha ng mic, pagtulog at pagligo sa walang oras, ikalawa naman ang kay Eslove na sa kadahilanang "Violent Behavior" niya againts Tricia at ngayon naman ang kay Shey ay Nomination Conspiracy! Read More about Shey Nomination Conspiracy

For the third time around sana ay maging lesson na eto sa mga housemates natin. Nagiging mailap na nga talaga at di na marunong sumunod sa mga rules ang bagong kabataan ngayon. Well tunghayan na lang natin sa mga susunod na episodes sa PBB Teen Clash 2010. Pero kung may aalis naman ay may darating at di lang isa kundi a number of boarders pa, eto ay walang iba kundi ang mga TEENTERNATIONAL Housemates. Click here para malaman kung sino sino sila!


0 Responses to “Force Eviction again plus 3 automatic nomination”

Post a Comment